DUTERTE’S KITCHEN NAKATULONG SA VACCINATION DRIVE NG RIZAL

Ni Ivy Atompag
Photo: Secretary Alfonso Cusi’s Facebook page
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Mas napaigting ang vaccination drive ng Rizal sa tulong ng Kitchen Malasakit Program ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan ang mga residenteng pumipila upang magpabakuna ay binibigyan ng bag ng libreng pandesal. 

Ang proyekto na sinimulan ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso G. Cusi ay nagsimulang mamahagi ng pandesal sa mga indibidwal na kabilang sa A1 at A2 category na naghihintay mabakunahan sa vaccination sites na itinalaga ng mga lokal na pamahalaan ng Antipolo, Taytay, Cainta, Morong, at Tanay. 

“Sinisiguro lang natin na ang ating mga mamamayan na nakapila para magpabakuna ay tiyak na may lakas para tumanggap ng bakuna,” saad ni Cusi sa isang news release kahapon, Mayo 18. 

Ang Duterte’s Kitchen Malasakit Program ay naglilibot sa mga munisipalidad ng Antipolo, Taytay, Cainta, Morong, at Tanay mula noong Mayo 6 upang mamigay ng 150 bag ng pandesal sa bawat lugar. Patuloy ang proyekto sa pamimigay ng libreng pagkain, food packs, at iba pang tulong sa mga apektado ng kalamidad bago pa man magkaroon ng pandemya. 

Bago magtungo sa Rizal, ang programa ay naghahain ng arroz caldo sa libu-libong indibidwal na naninirahan sa kalye sa lungsod ng Maynila.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.