Patay ang isang wanted at datihang CPP-NPA na naging gun-for-hire matapos diumanong makipagpalitan ng putok sa mga pulis nitong Enero 22 bandang 10:00 p.m. ng gabi sa Brgy. Dulao Bago City, Negros Occidental.
Aarestuhin sana si Emmanuel Dequilla Sampani na miyembro diumano ng CPP-NPA Narciso Antaso Aramil Command na may operasyon sa Rizal Province nang bumunot ito ng baril.
Meron siyang bitbit na tatlong handguns nang mangyari ang engkwentro sa mga pulis.
Tumakas umano si Sampani papuntang Quezon Province para magtago nang maisyu ang kanyang warrant of arrest ngunit itinakwil ito ng CPP-NPA dahil sa isang sexual offense sa isa ring miyembro na nagngangalang “Ka Venus”.
Bumalik siya sa Negros kung saan nasangkot siya sa isang gun-for-hire group, hit jobs, gun running, at land grabbing.