Kasama sa 4,146 kilo ng abandonadong mga produktong dinispatiya ng Bureau of Customs-Port of Clark ang expired assorted medicines, food supplements, at cosmetics na hindi aprubado ng Food and Drug Administration nitong Nobyembre 24 sa Trece Martires City, Cavite.
Winasak ang mga nasabing produkto dahil sa paglabag sa Sec. 117 ng Customs Modernization and Tariff Act.
Sinisiguro ng ganitong condemnation activity na may magagamit na storage space at nasusunod ang rules at regulations ng Customs para iwas sakit sa publiko kung kakalat ang mga ito sa mga lokal na pamilihan.