Expressways, handa na sa cashless transactions simula Disyembre—TPB

Ni Ivy Atompag
Photo: PIA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa isang virtual presser kahapon, inanunsyo ng Toll Regulatory Board (TRB) na handa na ang pamahalaan at ang mga operator ng expressway sa pagpapatupad ng cashless toll collection transactions sa lahat ng expressway sa bansa simula Disyembre 1.

Ayon kay TRB Executive Director Abraham Sales, nakapagbigay na ng 3.2 milyong radio-frequency identification (RFID) stickers sa mga motorista ang mga operator ng mga expressway at halos 800 na toll gates na ang handa para sa implementasyon at paggamit ng RFID.

“More than 3.2 million [vehicles] na po ang may stickers ng RFID (radio frequency identification). The capacity to install is 30,000 a day… We see na ready to go po tayo for cashless payment by December 1. We want this to be efficient para maiwasan ang pag-spread ng COVID-19,” paliwanag ni Sales.

Ayon pa sa kaniya, inaahasan ang kooperasyon ng lahat, lalo na ang mga motorista para sa epektibong pagpapatupad ng cashless toll collection.

“Inaasahan po namin, with the full cooperation of the operators and pati na rin po yung mga motorista, magiging efficient po yung pag-iimplement po ng tinatawag na cashless and contactless toll collection,” saad niya.

Ayon naman kay Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) chief communication officer Romulo Quimbo Jr., 66.4 percent ng mga motoristang dumaan sa mga EasyTrip expressways ang gumamit ng RFID sa tala nito noong Nobyembre 17 kumpara sa 31.9 noong Hulyo ng taong ito.

Dagdag pa niya, nakapag-install na ng nasa tinatayang 1,523,991 na EasyTrip RFID stickers ang MPTC noong Lunes.

Ang cashless toll collection scheme ay alinsunod sa Department Order (DO) No. 2020-012 na naglalayong bawasan ang pisikal na interaksyon ng mga tao sa mga transaksyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.