FACE-TO-FACE CLASSES POSIBLENG IBALIK NA SA AGOSTO

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nabanggit ng Palasyo kahapon, Abril 29, ang posibilidad ng pagkakaroon ng pilot implementation ng face-to-face (F2F) classes sa Agosto.

Ito ay matapos ianunsyo ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na inaasahang magkakaroon na ng steady supply ng bakuna para sa COVID-19 sa Agosto.

“Baka by August, pupuwede na at least ‘yung pilot or ‘yung pilot can come earlier para mas marami na. Tingnan po natin. Lahat po iyan ay nakadepende sa pagbabakuna natin,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang virtual presser. 

Positibo umano si Roque na hindi na pipigilan ng Pangulo ang pagbabalik ng F2F classes kapag maraming Pilipino na ang nabakunahan laban sa COVID-19. 

“Dahil matagal nang inirekomenda po ng DepEd, ng Department of Education yung pilot na pagbubukas ng ating mga paaralan, kapag dumami na po ‘yung nabakunahan, wala na pong objection ang ating Pangulo,” paliwanag niya. 

Sa pinakahuling ulat ng Asian Development Bank (ADB) na inilabas nito noong Abril 28, sinabi nitong ang pagsasara ng mga eskwelahan sa bansa dahil sa pandemya ay nakaapekto ng lubos sa pag-aaral at potensyal ng mga estudyante. 

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre ng nakaraang taon na ipagpaliban muna ang nakaplanong pagbabalik sana ng F2F classes sa mga low-risk areas nitong Enero dahil sa bagong strain ng coronavirus na natagpuan sa bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.