FDA APRUBADO NA ANG EMERGENCY USE NG SINOVAC; BAKUNA ‘DI REKOMENDADO PARA SA HEALTH WORKERS

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) nitong Lunes, Pebrero 22, 2021, ang emergency use ng COVID-19 vaccines na gawa ng Chinese company na Sinovac Biotech. 

Gayunpaman, ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hindi ito ang pinakaepektibong bakuna para maprotektahan ang healthcare frontliners ng bansa laban sa virus. 

Ani Domingo, hindi rin ito rekomendado para sa senior citizens at iyong mga indibidwal na may comorbidities o may kasalukuyang iniindang matinding karamdaman dahil sa mababa ang efficacy rate ng naturang bakuna. 

Ayon pa sa direktor ng FDA, maaari lamang maibigay ang nasabing bakuna sa mga indibidwal na edad 18-59 taong gulang at may malusog na pangangatawan. 

Dapat din aniyang may apat na linggong pagitan bago ibigay ang pangalawang dose ng bakuna sa nasabing grupo ng mga indibidwal. 

“Ang nakita kasi sa trial sa Brazil na binigay ito sa healthcare workers sa hospitals treating COVID-19 ay 50.4% ang efficacy niya. Mas mabuti na kaysa wala. Pero ang rekomendasyon natin, ng mga experts, ay hindi ito ang pinakamagandang bakuna para sa kanila. It has a lower efficacy rate of 50.4% when used on healthcare workers exposed to COVID-19. Therefore, it is not recommended for use in this group,” paliwanag ni Director General Domingo. 

Samantala, sinabi ni Domingo na nasa 65.3 hanggang 91.2 porsyento naman ang efficacy rate ng Sinovac vaccine sa mga malulusog na indibidwal na kabilang sa nabanggit na rekomendadong age group na mabigyan nito. 

Bagama’t mababa ang efficacy rate ng Chinese vaccine sa health workers, sinabi ng FDA Chief na magandang opsyon naman ito para sa mga may allergy dahil sa mababa ang posibilidad na magkaroon ng malalang allergies o anaphylaxis ang mga indibidwal na tuturukan nito. 

Halal-certified din aniya ang bakuna base sa pagsusuri na ginanap sa Indonesia para rito. 

Sa isang Senate hearing sinabi ni Senador Sonny Angara na ang paunang batch ng bakuna, na naglalaman ng 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine, ay inaasahang darating na sa bansa bago sumapit ang katapusan ng Marso ng taong ito. 

Nauna nang sinabi ng pamahalaan na prayoridad ng bansa ang pagbabakuna sa healthcare workers, seniors, at mga indibidwal na may comorbidities, ngunit dahil sa nabanggit ng mga restriksyon sa Sinovac vaccine, babaguhin ang listahan ng mga mauuna sa pagbabakuna.

“Baka mauna ang economic frontliners na kasama ng sundalo, nagtatrabaho sa industriya na bukas noong ECQ [enhanced community quarantine]. Kung hindi mabibigay sa seniors at frontliners, napakadami namang critical economic frontliners na mabibigyan,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.