FDA: ‘EMERGENCY USE PARA SA COVID-19 VACCINE CANDIDATE POSIBLENG APRUBAHAN SA ENERO 2021’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) nitong Huwebes, Disyembre 3, na sa darating na Enero ng susunod na taon ay maaaring makapaglabas na ang kanilang ahensya ng emergency use authorization (EUA) sa kumpanyang posibleng magsusuplay sa bansa ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ay kasunod sa executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbibigay ng pahintulot sa FDA na makapagbigay ng EUA sa loob lamang ng 21 hanggang 28 na araw matapos makapagsumite ang vaccine maker ng kaniyang aplikasyon.

Kung ang normal o nakagawiang proseso ang susundin, aabutin ng hanggang anim na buwan bago maaprubahan ng kaukulang regulatory body ang pagpapalabas at paggamit ng bakuna.

Ani FDA Director General Eric Domingo, ang mga aplikante ay nararapat na may katumbas na EUA mula sa bansa kung saan binuo ang bakuna, o kaya naman ay mula sa World Health Organization, o galing sa mahigpit na regulatory authority.

“Maaari pong by first few weeks of January, mayroon na rin po tayong maibigay na emergency use authorization. Baka mapaaga nang kaunti, baka magkaroon ng chance na mga March, magkaroon na ng bakuna dito sa Pilipinas,” pagbabalita ng pinuno ng FDA.

Inaprubahan na ng China ang paggamit ng COVID-19 vaccines ng Sinovac at Sinopharm. Samantala, noong Miyerkules naman, Disyembre 2, ay pinahintulutan na rin ng United Kingdom ang emergency use ng Pfizer vaccine. Inaasahan namang gagawin ng United States ang parehong hakbang para sa mga bakunang mula sa Moderna at Pfizer.

Ayon kay Domingo, ang nasabing vaccine brands ay posibleng mauunang magsumite ng kanilang aplikasyon para magkaroon ng EUA ang kani-kanilang mga bakuna dito sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay nakakuha na ang Pilipinas ng P2.6 milyong halaga ng COVID-19 vaccine shots mula sa British drugmaker na AstraZeneca at inaantay pang maaprubahan ito ng mga kinauukalan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.