Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na mas mabuti umanong may pagpipilian ang publiko pagdating sa bakunang nais nilang gamitin sapagkat inaasahang may negatibong epekto ang ilang bakunang paparating sa bansa.
“For each and every patient you have to find a better vaccine for you and not one vaccine is probably good for everybody so it’s good to have a basket of choices.”
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, maaari umanong hindi maging compatible ang bakunang gawa ng Pfizer at Moderna sa mga indibidwal na mayroong severe allergies.
“The mRNA vaccine is completely laboratory-synthesized. That’s why they can do it a lot weaker and cheaper. There’s this possibility of getting an allergic reaction, possible severe allergic reaction so ‘yun talaga ang we have to watch out for. ‘Pag meron ka severe allergy maybe this is not for you,” pahayag ni Domingo.
Nakatakda rin umanong maglabas ng listahan ang FDA ng mga bakunang nabigyan ng emergency use authorization (EUA) upang maikonsulta ng publiko sa kani-kanilang mga doktor ang mga posibleng sangkap ng bawat bakuna na maaaring maging sanhi ng allergic reaction.
Sa kasalukuyan, mayroon nang emergency use authorization sa bansa ang bakunang gawa ng Pfizer at AstraZeneca. Sinusuri pa ng FDA ang EUA application ng Sinovac, Bharat Biotech mula sa India, at Gamaleya ng bansang Russia.