FEATURE: ‘Isang paracetamol’

Ni Joan Alcantara
Photo: PNA

Taktika na ng grupong CPP-NPA ang magsagawa ng “mercy mission” matapos makipagsagupa sa pwersa ng militar dahil sa gawa-gawang isyung makikipagpatayan ang komunistang grupo para sa mga diumano’y “taggutom” na mga magsasaka at katutubo.

Habang nakikipagbarilan ang mga rebeldeng komunista sa kabundukan, pwersahan namang nangangamkam ng bigas ang mga organisado nilang magsasaka at katutubo sa DSWD ng lungsod.

At upang pukawin ang mga sawing biktima sa lugar ng bakbakan, magsasagawa ang mga ito ng medical missions at mamimigay ng “paracetamol”.

“Kapag nakapagbigay ng isang paracetamol ang NPA doon sa masa, sabihin mabuti pa ang NPA nagbigay ng paracetamol, ang gobyerno hindi nagbigay. Isang tableta lang iyan naka-propaganda na–ganyan kami noon, mga Sir, mga Ma’am,” testimonya ng dating tagapagsalita ng CPP-NPA na si Datu Joleto. Kalaunan ay napagtanto rin ng IP youth leader na hindi niya nanaising mapabilang sa pugad ng mga komunistang pumapatay kahit pa sarili nilang mga kasama.

“Meron pa pong mga pinatay ang NPA na iyong pamilya nila hindi nagsumbong sa gobyerno  kasi natatakot. Bakit ko po alam iyong mga iyan? Dahil nandoon po ako sa mga panahon na iyon,” pagsisisi ng IP lider. “Kaya nga ako, nag-isip-isip po doon–bakit ako sumali? Para bang nakasama ko na ang mga mamamatay-tao, kasi alam ko kung paano mag-execute ng parusa ang NPA. At alam ko po na iyong Hukuman ng Bayan wala pong bilangguan doon–ang presohan po talaga roon six feet below the ground.”

Napakatindi ng makinarya ng CPP-NPA pagdating sa propaganda, ayon sa commander ng AFP Southern Luzon Command na si Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. Sang-ayon naman si Datu Joleto dahil maging mga estudyante at mga magulang ay napaniniwala ng mga ito.

“Ang programa talaga ay 300 na mga scholar na [magiging] mga teacher ang maka-graduate para i-deploy sana doon sa mga eskwelahan na naipatayo ng mga CPP-NPA. Iyong mga magulang po ng mga scholar, tuwang-tuwa sa NPA. Sabi nga nila, mabuti pa ang NPA kasi nakagawa ng libreng paaralan, libreng scholar. Pero hindi nila alam na taktika iyon para magkaroon ng teacher sa Salugpungan school na isang instrumento para insultuhin iyong government natin,” pagsisiwalat ng dating recruit.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.