GALVEZ AT COMELEC SINIGURONG TULOY ANG HALALAN 2022 SA KABILA NG PANDEMYA

Ni Monica N. Ladisla
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sang-ayon ang Commission on Elections at si Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na kailangan ng puspusang paghahanda upang maging matagumpay ang nalalapit na halalan sa 2022 sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

“Kailangan… magkaroon po tayo ng tinatawag na guidelines from Comelec,” giit ni Galvez.

Dagdag pa niya, “So, nakita natin ‘yung experience ng US nu’ng nagkaroon sila ng election. At the same time, ngayon ongoing ‘yung campaigning ng India, nakita natin nag-doble ang kanilang mutations. I think we have to prepare for that.” 

Siniguro rin ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na matutuloy ang eleksyon sa susunod na taon.

“‘Yung elections were set by the Constitution itself, right? Meaning to say, kung gusto mo i-reset ‘yung elections, kailangan i-amend mo ‘yung Constitution. And para ma-amend ‘yung Constitution kailangan mo ng plebisito to ratify the amendment,” ani Jimenez.

May sapat pa umanong oras ang COMELEC para paghandaan ang nalalapit na eleksyon at anila, may natutunan na umano sila sa mga bansang nauna nang magdaos ng eleksyon sa gitna ng pandemya.

“We have so much time to prepare for it. Kitang-kita natin na kayang gawin ng safe ‘yung elections,” pahayag ni Jimenez.

Ayon pa kay Jimenez, malaki pa rin ang posibilidad na face-to-face ang magaganap na eleksyon subalit kailangan pa ring isaalang-alang ang health protocols upang hindi kumalat ang virus sa polling precincts.

“In-person pa rin siya, number one. Number two, schools pa rin ang pinaka-obvious. Pangatlo, ‘yung one day, marami siguro nakakabit na issue diyan, eh. So, ‘yun ‘yung kailangan natin i-settle within the next few months,” paliwanag ng tagapagsalita ng COMELEC.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.