Patay ang wanted gang leader ng Sevilla Group na sangkot sa land grabbing, robbery extortion, arson, gun for hire, cattle rustling, at collection ng revolutionary tax para sa mga communist-terrorist group sa isang police encounter nitong Pebrero 1 ng umaga sa Bukidnon.
Nakilala ang napatay na suspek na si Edward Sevilla alyas “Don-Don” na diumano’y unang nanlaban at nagpaputok sa mga pulis na naghahain ng search warrant dahil sa paglabag sa RA No. 10591 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Naisugod pa sa ospital ang nasabing suspek matapos tamaan sa palitan ng putok ngunit idineklara nang dead on arrival.
“Sevilla’s killing is a significant development in the PNP’s anti-criminality operations and manhunt against wanted persons, especially known supporters of terrorist groups,” pahayag ni Chief PNP Police General Debold M. Sinas.
Dati nang naaresto si Sevilla dahil sa paglabag sa Comelec gun ban noong Abril 11, 2016, bukod pa sa kasong murder.
Nakuha sa crime scene ang isang unit cal.45 na may tatlong live ammunitions; tatlong fired cartridge cases ng 9mm; tatlong fired cartridge cases ng cal. 45; isang unit ng improvised shotgun; isang fired bullet ng 9mm; isang rifle grenade model M76A-1 na may plastic container; at isang hand grenade comp BL56-674 na may canister.