GOBYERNO MAGPAPATUPAD NG BAGONG PROTOCOLS PARA SA MGA BIYAHERONG FULLY VACCINATED

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakatakdang bumuo ng bagong polisiya ang pamahalaan para sa mga pabalik ng bansa na kumpleto na ang bakuna, ayon sa Palasyo.

Bubuo umano ng inter-agency group na siyang mangunguna sa paggawa ng bagong protocols para sa mga biyaherong kumpleto na ang bakuna, kasunod ng pinakahuling desisyon ng pandemic task force ng bansa.

Dahil sa mas pinaigting na vaccination effort sa buong mundo, nagpasya ang Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na magsagawa ng bagong polisiya kaugnay nito.

“A small working group is created to study and formulate protocols for inbound international travel of fully vaccinated individuals, and such other protocols that may be applicable to them,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pangungunahan ng Department of Tourism at Department of Foreign Affairs ang mabubuong grupo.

Kamakailan, nagpatupad ang IATF ng bagong testing at quarantine protocol para sa mga biyaherong papasok ng bansa upang makontrol ang pagkalat ng virus.

Sa kasalukuyan, lahat ng biyaherong papasok sa bansa ay kailangang sumailalim sa 14-day quarantine. 

Paglilinaw ng IATF, “The first ten days of which shall be observed in a quarantine facility, with the remainder to be completed under home quarantine in their respective local government units of destination.”

Kailangan din umanong sumailalim sa RT-PCR test ng mga ito sa ikapitong araw at kahit magnegatibo ang resulta, kailangan pa ring makumpleto ang sampung araw na facility-based quarantine.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.