Halos 6M Pilipino, nagparehistro na para sa National ID

Ni Ivy Atompag
Photo: PSA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Iniulat ng Philippine Statistics Authority kahapon na nasa tinatayang 5,788,615 na Pilipino na ang nakatapos sa unang hakbang ng pagpaparehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys) sa kabila ng pagkaantala nito dulot ng mga nakaraang bagyo. 

Kabilang sa mga nagparehistro ang mga nasa low-income households sa 32 probinsya. 

“We partnered with the Department of National Defense to transport our registration kits to the 32 provinces, but due to the recent typhoons and the resulting relief efforts, we are encountering minor delays,” paliwanag ni Assistant Secretary Rosalinda Bautista, Deputy National Statistician ng PhilSys Registry Office (PRO).

Naantala ang ilang naunang operasyon para sa pagpapatala sa PhilSys dahil sa mga nakaraang bagyo na sumalantala sa ilang target areas ng PhilSys registration.

Ayon kay Bautista, ipinagbigay-alam ng PSA ang mga pagbabago sa schedule ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng text message at tulong ng mga opisyal ng barangay.

“We have notified, via text message, the registrants who were set to undergo Step 2 registration from November 25 to 30 about the change in schedule. Barangay officials in registration areas were requested to inform their constituents,” paliwanag ni Bautista. 

Iniulat din ng PSA na 89 percent ng mga nagparehistro ang kasalukuyang walang bank accounts.

“This emphasizes the importance of ensuring the rollout of the country’s national ID program, as one of the main hindrances to financial inclusion is the lack of formal identification,” saad ng PSA.

Ang mass rollout ng PhilSys ay magbibigay-daan sa mga Pilipino upang magkaroon ng access sa pangunahing serbisyo sa mga bangko at maiwasan ang panghihiram sa mga nagpapautang na may malalaking interes.

Makakatulong din ang national identification ID na magkaroon ng access sa iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan at magsisilbing daan upang mapadali ang mga pribado at mahahalagang transaksyon ng mga Pilipino.

Ayon sa PSA, sisimulan nito ang pangalawang bahagi ng PhilSys registration o ang pagkuha ng biometric information ng mga indibidwal, kapag ang mga kakailanganing sistema ay gumagana na.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.