HAZARD PAY NG FRONTLINERS, HINDI BABAWASAN — PALASYO

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nilinaw ng Palasyo ngayong araw, Abril 27, na walang katotohanan ang mga alegasyong babawasan ang hazard pay ng frontline healthcare workers. 

“Hindi po nire-reduce ang hazard pay dahil ang hazard pay po ay sang-ayon sa isang order ng ating Presidente,” saad ni Roque sa isang press briefing.

Ayon kay Roque, naparating na rin umano ito kay Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo “Bong Vega.”

“Pero naparating na po natin sa DOH ang concerns. At ang sabi naman po ni Usec. Vega ay tinitingnan nila kung ano at bakit may mga report na binabawasan ang hazard pay,” paliwanag niya. 

Noong Nobyembre ng nakaraang taon, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order (AO) No. 35 na nagbibigay ng active hazard duty pay (AHDP) na umaabot ng hanggang Php3,000 kada buwan sa mga frontline human resources for health (HRHs). 

Pinirmahan din ni Duterte ang AO 36 na nagbibigay ng COVID-19 special risk allowance (SRA) na hanggang Php5,000 kada buwan para sa public at private health workers (HWs) na direktang nakakasalamuha ang mga pasyente ng COVID-19. 

“National government agencies, government-owned or -controlled corporations and local government units are hereby authorized to grant Covid-19 SRA not exceeding PHP5,000 per month to public and private HWs who directly cater to or are in contact with Covid-19 patients,” saad ng AO 36.

Ang COVID-19 SRA ay karagdagan lamang ng mga hazard pay, hazardous duty pay, hazard allowance, at iba pang benepisyong natatanggap ng mga ito sa ilalim ng mga batas at exempted mula sa income tax. 

Pinirmahan ng Pangulo ang mga administrative order upang kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng HWs na nagbubuwis ng kanilang buhay upang tulungan ang bansang labanan ang kasalukuyang pandemya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.