HEALTH WORKERS NANAWAGAN SA GOBYERNO NA PAIGTINGIN ANG PROGRAMA NITO KONTRA COVID-19

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nanawagan ang samahan ng Philippine College of Physicians (PCP) sa pamahalaan na agarang ipatupad ang long-term programs nito tulad ng digital contact tracing at mas maayos na referral system sa mga nagpositibo sa virus sa kabila ng sunud-sunod na overcapacity ng emergency rooms sa Metro Manila.

Ayon kay Vice President of the PCP Dr. Maricar Limpin, “Marami kaming nakikita na severe na o critical. It’s frustrating sa amin kasi by the time na makita namin, malalang-malala na ang mga kababayan natin.” 

Aniya, aabot umano sa dalawa o tatlong linggo bago maramdaman ng health workers ang epekto ng enhanced community quarantine sa NCR Plus.

“Kinakaya na lang talaga namin, ang mga emergency department namin ay talagang punong-puno. Hindi lang punong-puno, it is about 200-percent capacity ang aming mga emergency department,” giit ni Limpin.

Hinikayat din niya ang mga lokal na pamahalaan na ayusin ang kanilang contact tracing upang makatulong sa pandemyang kinakaharap ng bansa.

“I-improve ang contact tracing natin at saka sana po kung kunyari QR code magkasundo na ho sila. ‘Wag na ho mano-mano na contact tracing form na finifill up-an natin. Wala hong nangyayari sa kanya. Itapon na natin kasi alam na natin na hindi effective,” ani Limpin.

Kung maaari rin umano, mas mainam na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na lamang umano ang mamahagi ng ayuda sa mga nasasakupan nito upang maiwasan ang pagkumpulan ng tao sa distribution centers.

“I think there should be a better way of distributing itong mga ayuda na ito. Pwede siguro naman na ‘yung government employees ang pumunta sa mga tao kaysa ang mga tao pa ang pupunta sa kanila,” suhestyon niya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.