IATF: ‘MGA BATANG PAPAYAGANG LUMABAS SA MGA LUGAR NA NASA MGCQ, DAPAT MAY KASAMANG MAGULANG’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Mayroon po tayong karagdagang resolusyon na ipapalabas kung saan strictly enforced po na sa paglabas ng mga bata ay dapat kasama nila ang kanilang mga magulang.”

Ito ang pahayag ni Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases Co-chair Karlo Nograles tungkol sa desisyon ng IATF na payagang makalabas ng bahay ang mga batang edad 10 hanggang 14 taong gulang sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) sa susunod na buwan.

Inaprubahan na noong Biyernes, Enero 22, 2021, ang rekomendasyon na pahintulutan ang mga batang nabibilang sa nasabing age group na makalabas ng kanilang tahanan

simula sa Pebrero 1. Nauna na itong iminungkahi ng Department of Trade and Industry upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa. 

Sa kasalukuyan, pinapayagan ng IATF na lumabas ng bahay ang mga indibidwal edad 15 hanggang 65 na taong gulang. Samantala, iyong mga sakop ng age restrictions ay makalalabas lamang ng kanilang tahanan kung may bibilhin o gagawing napakaimportante, tulad ng pagbili ng makakain o pagpasok sa trabaho.

Dagdag pa ni Nograles, nagpulong na rin ang IATF hinggil sa suhestiyon ng ilang mga negosyante na payagan din ang mga indibidwal edad 66 hanggang 70 taong gulang na makaalis ng bahay. Gayunpaman, hindi sumang-ayon ang mga medical expert dito dahil sa nakaambang panganib sa mga ito sa oras na sila ay mahawaan ng COVID-19.

“But, kung sasabihin natin na above 65, palalabasin po natin ay hindi po, as of this moment pumapayag ang ating health sector,” ani Nograles.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.