IATF: ‘PANGANGAROLING BAWAL MUNA NGAYONG KAPASKUHAN’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Taliwas sa nakagawian na ng mga Pinoy, magiging mas tahimik ngayong taon ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Napagpasyahan na ng pamahalaan na ipagbawal muna ang tradisyunal na pangangaroling sa mga bahay-bahay sa gitna ng panganib na dulot ng COVID-19.

Nitong Miyerkules, Nobyembre 25, inanunsyo ni Chief Implementer of the National Plan Against COVID-19 Carlito Galvez, Jr. na napagdesisyunan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na ipatupad ang ban sa nasabing aktibidad.

Nakatakdang maglabas ang task force ng resolusyon kaugnay sa naturang desisyon sa mga darating na araw.

Sinabi rin ng Kalihim na plano ng IATF na magsagawa ng pagpupulong ngayong Huwebes, Nobyembre 26, upang talakayin ang mga gagawing paghahanda para sa darating na paggunita ng Kapaskuhan. 

Hinikayat din niya ang publiko na gawing simple at ligtas ang mga gagawing selebrasyon at isaalang-alang ang ibayong pag-iingat sa kalusugan para maiwasan ang biglaang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

“Huwag na po tayong masyadong magkaroon ng magarbong mga selebrasyon kasi nakikita po natin na ito po ay magiging cause ng spread ng ating virus,” pahayag ni Galvez.

Kamakailan lamang ay ipinahayag ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang hindi pagsang-ayon ng kaniyang Kagawaran sa pangangaroling sa gitna ng pandemya dahil sa parehong nabanggit na kadahilanan. 

Ayon kay Usec. Vergeire, mas mataas ang posibilidad na kumalat ang virus sa pamamagitan ng malakas na pag-awit kung ikukumpara sa pakikipag-usap o paghinga.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.