ILANG LGUs TUTOL SA PAGLUWAG NG TRAVEL, HEALTH PROTOCOLS AYON SA LPP

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagpahayag ng kanilang pagtutol ang ilang local government units (LGUs) sa desisyon ng gobyerno na alisin ang travel requirements at luwagan ang ilang health protocols sa kabila ng pandemya.

Ayon kay League of Provinces of the Philippines President at Marinduque Governor Presbitero Velasco, Jr., pabor umano ang karamihan sa mga LGUs na panatilihin ang RT-PCR COVID-19 test bilang travel requirement.

“Karamihan po ay hindi. Meron pong ilan na puwede na pong tanggalin. Pero karamihan po gustong i-impose yun, ‘yung RT-PCR na pre-travel requirement. ‘Yung iba naman po gustong gamitin, mag-impose upon arrival mismo ‘yung PCR test, provided may laboratoryo na po doon ‘yung LGU of destination kaya kailangan mabilis ang resulta,” ani Gov. Velasco.

Kamakailan, ipinasa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Resolution No. 101 kung saan nakasaad travellers do not need to undergo testing unless required by the LGU prior to travel.

Dagdag pa niya, hinihintay pa umano nila na aprubahan ang paggamit ng antigen test na napatunayan ng mas mabilis maglabas ng resulta at mas abot-kaya sa mas nakararaming LGU.

Sa kabila nito, ikinabahala ni Gov. Velasco ang pagtanggal sa quarantine sa mga biyahero na walang sintomas ng virus pagdating sa kanilang destinasyon.

“Tinanggal na po ‘yung quarantine kaya nga po wala na kaming line of defense, e. Tinanggal po ‘yung travel authority, health certificate, tinanggal din po ‘yung quarantine,” nababahalang tugon ni Gov. Velasco.

Ayon pa sa kanya, “Ang nire-require lang po ngayon ay ‘yung clinical and exposure assessment na baka hindi supisyente kung ‘yung gagamitin lang ay ‘yung temperature gun. Tatanungin lang sa health checklist.”

Kung papayagan umano, mas pipiliin pa rin ng LGUs na ipatupad ang masinsinang physical examination upang masigurong negatibo sa virus ang pupunta sa kanilang lugar.

“Ang nire-request po namin ay mas thorough po ang physical examination. Hindi lang po ‘yung tinatanong dahil hindi naman po lahat nagsasabi ng totoo,” pahayag ni Gov. Velasco.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.