ILIGAL NA PAGRERESETA NG IVERMECTIN KINUNDENA NG PMA

Ni Monica N. Ladisla
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagbabala ang Philippine Medical Association sa mga doktor na iligal na nagbibigay ng reseta ng Ivermectin sa publiko.

Naninindigan ang PMA sa inilabas na  pag-aaral ng Food and Drug Administration, Department of Health, at World Health Organization na “inconclusive”  ang paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Anila, ang paggawa at pamimigay ng naturang unregistered drugs ay paglabag umano sa FDA Act of 2009.

“The unlawful sale of the drug product bought abroad but not registered with the FDA is also illegal. PMA hereby cautions physicians not to prescribe or compound the medicine Ivermectin outside of the approved compassionate use hospitals,” mariing pahayag ng PMA.

Sa kasalukuyan, limang ospital pa lamang ang aprubadong magbigay ng Ivermectin sa paggamot ng COVID-19 bilang isang investigational drug.

Kaugnay nito, umalma ang ilang health workers kamakailan matapos mamigay ang dalawang pulitiko ng Ivermectin mula sa reseta ng mga on-site doctors doon ng walang pirma at nakalagay na license number ng mga ito.

“Meron tayong nakita may naglagay ng lisensya pero walang pangalan. Hindi kumpleto ang information na nilahad para magkaroon ka ng accountability dun sa pasyente,” ani Dr. Tony Leachon.

Dagdag pa niya, “Alam natin ang DOH inatasan na ang Professional Regulation Commission kung merong pagkakasala ang mga doctor na gumamit at nag-issue ng prescription outside of the approval of FDA of compassionate use of certain hospitals.”

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.