IMPLEMENTASYON NG CAR CHILD SEAT LAW IPINAGPALIBAN MUNA — DOTr

Ni Ivy Atompag
Photo: PTV
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ipinagpaliban muna ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng RA 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act habang nirerebisa ng Land Transportation Office (LTO) ang guidelines para sa batas.

Nagkasundo ang DOTr at LTO noong Martes na ipagpaliban muna ang implementasyon ng batas sa kasagsagan ng pandemya upang tukuyin ang tamang edad at taas ng mga batang saklaw rito pati ang standard car seat at multang ipapataw sa mga lalabag dito.

“Both the DOTr and LTO are in agreement that a deferment of the full implementation or enforcement of this new rule is warranted, especially given our current economic situation amid this still raging pandemic,” paliwanag ng DOTr sa press release nitong inilabas noong Martes. 

Noong nakaraang linggo ay nauna nang inanunsyo ng LTO na hindi muna pagmumultahin ang mga lalabag sa batas sa loob ng anim na buwan o hanggang Agosto bagkus ay bibigyan lamang ng initial warning at information materials tungkol dito. 

Ang RA 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act ay pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 22, 2019 habang ang implementing rules and regulations (IRR) nito ay naaprubahan noong Disyembre 23, 2019 at naging epektibo noong Pebrero 2020.

Sa ilalim ng batas, ang mga batang edad 12 pababa at mas mababa sa 4’11” ang taas ay kailangang gumamit ng car seats. 

Sa press release nito ay nilinaw din ng DOTr na ang bagong batas ay hindi ipinatupad lamang ng DOTr at LTO sa kanilang sariling kagustuhan.

Dahil isa itong bagong batas anila, may isang taong transitory period ang inilaan bago ang nakatakdang kabuuang implementasyon nito dapat noong Martes. 

“Since it is a new measure, a transitory period of one year was provided before the mandatory compliance as stated in the IRR. Hence, its effectivity today is by operation of law,” saad ng press release.

Ayon sa isang pag-aaral ng World Health Organization (WHO), ang tamang paglalagay at paggamit ng car seat sa sasakyan ay nagpapababa sa posibilidad ng kamatayan sa mga aksidente sa kalsada ng 70 percent para sa mga sanggol at 47 hanggang 54 percent sa mga batang edad isa hanggang apat na taong gulang.

“Its primary intention, as a matter of state policy, is to uphold the safety of children while aboard motor vehicles,” paliwanag ng ahensya.

Nauna na rin umanong plinano ng LTO na magsagawa ng enforcement and communications planning para sa implementasyon ng batas noong Marso 2020 ngunit hindi ito natuloy dahil sa quarantine. 

Sa kasalukuyan, ang LTO ay nasa proseso ng pagrerebisa ng enforcement protocols ng batas.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.