KAPASIDAD NG PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON MANANATILI SA ILALIM NG ECQ — DOTr

Ni Ivy Atompag
Photo: DOTr
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nilinaw ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Artemio U. Tuazon, Jr. kahapon sa isang Laging Handa briefing na walang mababago sa kasulukuyang kapasidad ng pampublikong transportasyon sa  Metro Manila sa kabila ng implementasyon ng ECQ hanggang Abril 4 dito.

“Generally, our public transportation walang magbabago sa kapasidad. Kung meron man mababago rito, ito ‘yung paghigpitin at maging masinsin ang pag-i-implement ng seven commandments sa public transport,” paliwanag ni Tuazon.

Sa kabila nito, binigyang-diin niya na tanging authorized persons outside of residence (APOR) tulad ng health workers at frontliners lamang ang pinapayagang bumiyahe sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon sa ngayon.

Ang public utility buses (PUBs) tulad ng mga jeep at UV express ay pinapayagan pa ring magsakay ng hanggang sa 50 percent ng maximum passenger capacity ng mga ito. Tanging isang pasahero lamang ang maaaring maupo sa hilera ng driver.

Bukod dito, ang mga provincial buses ay pinapayagan lamang maghatid nang point-to-point at hindi maaaring magsakay o magbaba ng pasahero sa gitna ng ruta ng mga ito habang ang mga taxi naman at transport network vehicle services (TNVS) ay pinapayagang magsakay ng hanggang dalawang pasahero sa bawat row at isang pasahero lamang sa hilera ng driver.

Pinahihintulutan naman ang mga tricycle na magsakay ng isang pasahero lamang sa mga sidecar ng mga ito.

Ang mga tren ay maaaring magdala ng 20 hanggang 30 percent ng maximum passenger capacity ng mga ito.

Upang makatulong sa pagkalat ng COVID-19, inilabas ng DOTr ang “seven commandements” nito para sa pampublikong transportasyon: (1) pagsusuot ng face masks at face shields, (2) bawal makipagusap personal man o sa telepono, (3) bawal kumain sa loob ng pampublikong transportasyon, (4) paninigurong may sapat na bentilasyon sa mga PUVs, (5) pagsasagawa ng palagiang disinfection; (6) pagbabawal sa kahit sinong may sintomas ng COVID-19 sa loob ng pampublikong transportasyon, at (7) at pagsunod sa mga panuntunan ng physical distancing.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.