LALABAG SA QUARANTINE VIOLATIONS, GAGAMITAN NG YANTOK

Ni Monica N. Ladisla
Source: Philippine Star
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Gagamitan umano ng yantok o “rattan sticks” ng mga otoridad ang mga lalabag sa physical distancing at iba pang health and safety protocols upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa darating na Pasko.

Ayon sa pahayag ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Cesar Binag, magsisilbing social distancing patrollers ang mga kapulisan at gagamit ang mga ito ng yantok upang mahigpit na maipatupad ang quarantine protocols.

“They will have a rattan stick — one meter length. It’s for stopping (violators) and as a measure device, and would be used to hit hard-headed individuals,” paliwanag ni Lt. Gen. Binag.

Mas pinaigting na ng pulisya ang kanilang presensya sa merkado, seaports, airports, malls, at iba pang pampublikong lugar.

Ito ay matapos maobserbahan ng ilang mga opisyal na mas dumami ang lumalabas sa kani-kanilang mga tahanan mula nang pumasok ang Christmas season.

Dahil dito, itinaas sa 96,711 ang bilang ng mga kapulisan mula sa bilang na 74,000. Ayon kay Binag, mahigit sa 700,000 quarantine violators na ang pinagmulta at nahuli magmula nang maipatupad ang lockdown noong Marso.

Inatasan na rin ang mga police commanders na makipag-ugnayan sa mall managers at church representatives upang masiguro ang 30 porsyentong capacity limit ng bawat estblisyemento.

Samantala, nanawagan naman si Binag sa publiko na sumunod sa itinalagang quarantine guidelines at makiisa upang mapigilan ang pagdami ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

“If we don’t help each other, it will be harder for us to win in the fight against COVID,” ani Binag.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.