LGUs, ‘Ready to Recover’ na

Ni Joan Alcantara
Photo credit: DILG

LUNGSOD NG QUEZON — Buo na ang “Ready to Recover (We Rise as One) COVID-19 Local Recovery Planning Guide” ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa local government units (LGUs) na aalalay sa pagpapasigla ng ekonomiya kahit kasagsagan pa rin ng COVID-19 na pandemya.

“Dapat makabawi na tayo ngayon kahit ‘di pa tapos ang COVID-19 crisis kasi mas lalala ang epekto nito sa ekonomiya at kabuhayan ng ating mga kababayan,” pahayag ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan E. Malaya.

Sinabi ng Undersecretary na siya ring chairman ng Sub-Task Group Governance of Task Group Recovery ng National Task Force for Coronavirus Disease-2019 na padadaliin ng local recovery plan ang pagbabalik-sigla ng ekonomiya sa lokal na lebel ng pamahalaan kung gagawing modelo ng LGUs ang ilang rekomendadong framework, template, programa, proyekto, at aktibidades na tinipun-tipon ng ahensya kasama ang World Bank.

Tutal, marami naman sa mga lugar na low-risk ang maaaring magsimula nang magtrabaho tungo sa proteksyon ng hanapbuhay ng mga taong magbabangon sa ekonomiya ng bansa.

Pagdating naman sa pondo, magagamit ang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund, National Disaster Risk Reduction and Management Fund, at Quick Response Fund ng ilang national government implementing agencies tulad ng Department of Agriculture, Department of Education, at Department of Health.

Meron ding access ang LGUs sa Local Government Support Fund (LGSF)–Financial Assistance to LGUs, LGSF–Assistance to Municipalities, Seal of Good Local Governance Incentive Fund, Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services-National Community-Driven Development Program, Regular Agency Budget, at 20% Development Fund.

“Hindi kayo basta iiwan na lang ng nasyunal na gobyerno. Babantayan namin ang inyong mga lokal na programa at kikilatisin namin ang inyong pagsulong upang matiyak na kayo ay sumusunod sa plano at makamit ang inyong mga layunin,” pagtitiyak ni Usec. Malaya.

Binigyang-diin din ng tagapagsalita ng DILG ang kahalagahan ng komunikasyon sa ganitong panahon. “Gamitin natin ang Internet sa pakikipag-usap sa mga tao. Maliban sa health care workers, ang mga local chief executives ay mga bayani rin sa gitna ng COVID-19 crisis. Bawa’t tauhan ay dapat maging tagapagbalita ng inyong recovery plan,” ayon sa Undersecretary.

Nagsimula na ring tumakbo ang “Facilitating Local Recovery and Rehabilitation in Light of the COVID-19” webinar series ng DILG Bureau of Local Government Development at ng Union of Local Authorities of the Philippines ukol sa plano.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.