LIBRENG COVID-19 TESTING, TULUY NA TULOY P500M IBINAYAD NG PHILHEALTH SA RED CROSS

Ni Monica N. Ladisla
Source: Philippine News Agency
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ipagpapatuloy muli ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagsasagawa nito ng libreng COVID-19 testing matapos magbayad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng P500 milyon o katumbas ng kalahati ng utang nito noong Oktubre 27.

Agad namang inatasan ni PRC Chairman Senator Richard Gordon ang accredited laboratories sa ilalim ng organisasyon na muling ialok ang serbisyo nila sa PhilHealth.

“Tonight, I have requested the secretary-general and all our laboratories throughout the entire country to open it to PhilHealth again. We are going to have the testing tonight from the Manila International Airport, for now, then tomorrow, regular testing will be conducted in full,” pahayag ni Sen. Gordon nitong Martes sa isang virtual press briefing.

Umabot na sa anim na libong Overseas Filipino Workers ang stranded sa quarantine facilities magmula nang itigil ng PRC ang pagsasagawa ng swab test. Ang mga nakuhang specimen ay dinala sa government laboratories upang agad na maproseso.

Kaugnay nito, nangako naman ang PhilHealth na agad babayaran ang natitira pa nitong utang matapos isumite ang documentary requirements. Ayon kay Sen. Gordon, wala umano siyang ibinibigay na deadline sa PhilHealth, subalit hinimok ng Senador na mabayaran sana ito sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa ni Gordon, nararapat din daw na mabayaran sa loob ng tatlong araw ang PRC sa bawat swab test na isinasagawa nito upang makontrol ang paglobo ng bayarin ng PhilHealth.

“Because pagka three days hindi sila nagbayad, I will tell them I’ll stop the tests. Merong Red Cross societies in the world na nagsara dahil hindi nabayaran ang kanilang investment, and I don’t want to be like that,” giit ni Gordon.

Matatandaang noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Palasyo na magbabayad ang gobyerno ng kalahati sa isang bilyong utang ng PhilHealth sa PRC, subalit iginiit ni Gordon na mabayaran ito ng buo. Aniya, non-profit organization ang PRC at kung walang pondo, wala rin umano silang kapasidad upang ipagpatuloy pa ang testing.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.