Limitadong face-to-face classes sa low-risk areas, aprubado na

Ni Carolina Tongko

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng limitadong face-to-face classes sa low risk areas o yaong mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) o transition phase sa pagitan ng MGCQ patungo sa new normal. 

Pinayagan na ng Pangulo ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa Enero 2021 o sa ikatlong kwarter ng panuruang taon base na rin sa panukala ng Department of Education. Samantala, ang mga pribadong paaralan na nagsimula na ng limited face-to-face classes noong Hunyo ay papayagang magpatuloy.

Ang desisyon na payagan ang limited, localized face-to-face classes ay magaganap  lamang kung may koordinasyon sa pagitan ng DepEd, naatasang local government unit, at local health authorities. 

Sa kabila nito, binigyang-diin ni DepEd Secretary Leonor “Liling” Briones na hindi basta-basta isasagawa ang face-to-face classes at kailangan muna nitong dumaan sa pilot testing at masusing inspekyon katuwang ang National Task Force Against COVID-19 upang matiyak na masusunod at maipatutupad ang kinakailangang pamantayan sa kalusugan. 

“Limited, ibig sabihin, na-approve na ng IATF. Na-classify na naman ng government kung low-risk ang isang area o hindi. Muli, hindi ito pinipilit sa lahat ng eskwelahan. Para lamang ito sa mga lugar na mababa ang health risk; sa mga school sa isla; sa malalayong lugar na hindi naaabot ng coronavirus,” ani Sec. Briones 

Tiniyak din ng Kalihim ang organisadong pagsasagawa ng limited face-to-face classes sapagkat aniya, kumpleto ang istruktura ng DepEd mula sa central office pababa sa school level pagdating sa monitoring hanggang sa implementation.

“Sa mga school na interesado na mag-implement ng face-to-face classes, subject for review ito ng Secretary ng DepEd. Susulatan ng school level ang kanilang regional director para i-monitor ang level nila. Ang regional directors naman, alam nila sa lugar nila kung aling schools ang pwede, Ang magpapatagal lang naman diyan ang physical inspection sa school gaya ng facilities, ventilation, at arrangement,” dagdag pa niya.

Nanawagan naman ang Kalihim sa mga magulang na ayaw ng face-to-face classes. Aniya, pwedeng gumamit ng mga materyales na makukuha online. Kung wala namang internet, pwede ang radyo at telebisyon. Mayroon ding reading materials na i-de-deliver sa bahay ng mga mag-aaral. 

“Ang thrust natin ngayon ay blended learning. Ang mga teacher, i-mobilize natin. Sinubukan na natin iyan sa Navotas. Apat na pamamaran ang nasimulan natin – mula sa kindergarten to senior high school. Kailangan lang ang tulong ng local executives, mga magulang, guro, at s’yempre, suporta ng national government natin.”

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.