LOVE IS NOT TOURISM MOVEMENT, UMAPELA NA LUWAGAN ANG FOREIGN TRAVEL BAN SA BANSA

Ni Monica N. Ladisla
Source: loveisnottourism.org
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Isang technical working group (TWG) ang binuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases upang pag-aralan ang pag-alis ng  travel ban sa mga foreign nationals na may Filipino fiancé matapos makatanggap ng sulat mula sa grupong “Love is Not Tourism”.

Nitong Sabado, sinagot ni IATF Co-Chairperson Karlo Nograles ang grupo at aniya, napag-usapan na sa ginawang pagpupulong ng IATF ang isyung ito at kasalukuyang pinag-aaralan ang gagawing rekomendasyon ng TWG para dito.

“We have a technical working group that is studying ‘yang mga concern ninyo. So, yes we have been (talking) — lahat naman ‘ata kami nasulatan ninyo,” saad ni Nograles.

Sang-ayon din si Presidential Spokesperson Harry Roque sa sentimyento ng grupo at nangakong idudulog ito sa IATF.

Binubuo ng long-distance couples ang Love is Not Tourism movement at layon ng grupo na usigin ang gobyerno sa iba’t ibang bansa na luwagan ang travel restrictions upang makapiling nila ang mga mahal nila sa buhay ngayong panahon ng pandemya.

Hinimok ni Sec. Nograles ang grupo na idulog ang kanilang petisyon sa Department of Foreign Affairs na aniya ay may kapasidad na magbigay ng entry permit depende sa kaso.

Subukan ninyo po, sumulat po kayo kay Undersecretary (Brigado) Dulay ng DFA, at pupuwede naman po siguro iyong mga fiancé visa ay pupuwedeng makiusap kay Usec,” paliwanag ni Nograles.    

Kaugnay nito, sinagot din ni Sec. Nograles ang isyu patungkol sa pagbubukas ng turismo sa mga foreign national. Aniya, kailangang unti-unti ang gagawing pagluwag sa protocols na sinimulan na sa pagbubukas ng Baguio City at Boracay.

We are slowly resuming domestic tourism. We need to emphasize that it should be done gradually because LGUs have to be prepared. We are just making sure that everything is in place; everything is set before we reopen. With regard to international tourism, as I said, let’s start first with domestic, and then let’s see; and then we can slowly reopen international tourism,” sagot ni Nograles.

Sa kasalukuyan, tanging foreign nationals na may asawang Pilipino ang pinapayagang makapasok sa bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.