LTFRB SA TRANSPORT OPERATORS: ‘MAGTANIM NG PUNO BAGO MAKAKUHA NG PRANGKISA’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-076 na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Nobyembre 20, simula Disyembre 1, kinakailangan munang makapagtanim ng puno ang transport cooperatives at operators na nais makapag-renew o mabigyan ng bagong prangkisa.

Ayon sa LTFRB ang mga aplikante na nais kumuha ng bagong certificate of public convenience para sa hindi bababa sa 10 public utility vehicles (PUVs) ay nararapat na magtanim ng isang puno katumbas ng isang PUV. 

Pagkatapos ng tatlong buwan mula sa implementasyon nito, masasama na rin sa naturang polisiya ang mga aplikanteng nais kumuha ng prangkisa para sa mas mababa pa sa 10 PUVs. 

Upang maproseso ang pagtatanim ng mga puno, kinakailangang makipag-ugnayan ang operators sa kani-kanilang local government units o sa pinakamalapit na tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources, na siyang magpapasya kung saan gaganapin ang naturang tree-planting activity at siya ring magbibigay ng katunayan na sinunod ng operators ang nasabing memorandum.

Layon ng LTFRB na makapagtanim ng nasa 50,000 na puno sa unang tatlong buwan ng implementasyon ng naturang kautusan.

Matatandaan na unang iminungkahi ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ang nasabing hakbang sa isang public briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang iba pang miyembro ng kaniyang gabinete kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Luzon, lalo na sa Cagayan, kamakailan lamang.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng state of calamity ang buong Luzon matapos ang sunod-sunod na pagbagyo na nagdulot ng matinding pinsala sa malaking bahagi ng rehiyon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.