LUNGSOD NG MAYNILA SINIGURONG MAY SAPAT NA STORAGE CAPACITY PARA SA COVID-19 VACCINES

Ni Ivy Atompag
Photo: PIA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila na may sapat itong cold storage facilities para sa iba’t ibang uri ng bakuna para sa COVID-19 sa oras na dumating ang mga ito sa bansa.

Ipinakita ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang bagong vaccine storage facility ng lungsod na nakatalaga sa ikapitong palapag ng Sta. Ana Hospital sa kasagsagan ng pagbisita ng mga opisyal ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team sa lungsod. 

Nadeploy na ang mga refrigeration units na kakailanganin sa nasabing pasilidad. Ayon kay Domagoso, bilang pagsunod sa direktiba ng NTF ay handa na silang mag-deploy ng mga bakuna pagkadating ng mga ito. 

“Immediately, as per the directive of the NTF, ‘pag dumating ang bakuna dapat ready na kayo to deploy, and we are ready to deploy. We have enough to handle, ready kami,” Domagoso said

Kabilang sa mga refrigeration units na inihanda ng lokal na pamahalaan ng lungsod ay ang limang HYC-390 refrigerators para sa mga bakunang mula sa AstraZeneca at Sinovac, dalawang -25° Celsius biomedical freezers, at dalawang -30° Celsius biomedical freezers para sa mga bakuna mula sa Johnson & Johnson at Moderna.

Inaasahan din ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang pagdating ng tatlo pang -86° Celsius ULT (ultra-high temperature) freezers sa Sta. Ana Hospital para naman sa mga bakuna mula sa Pfizer. 

Dagdag pa ng alkalde, payag silang ipagamit ang mga ito sa Department of Health (DOH) o sa ibang maaaring mangailangan ng storage para sa ibang syudad o ospital bilang tulong. 

“At kung sakali lang, we can offer it to DOH or others, kung halimbawa kailangan nila ng storage para sa kanila o para sa ibang siyudad o para sa ibang ospital ng located in Manila, we can accommodate them as a matter of assistance,” saad ni Domagoso.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.