MAGIGING BAKUNA LABAN SA COVID-19 MAY PONDO NA — PRRD

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pcoo.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Nakahanap na ako ng pera. I have the money already for the vaccine, but hahanap pa ako ng maraming pera because there are already 113 [million] Filipinos. And to me, ideally, all should have the vaccine without exception.” 

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang public briefing noong Miyerkules, Oktubre 14, para ibalita na mayroong nang nakalaang pondo ang pamahalaan upang makabili ng bakuna laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa oras na mailabas ito sa merkado at mapatunayang epektibo.

Ayon pa sa Pangulo, prayoridad na mabakunahan ang mga kabilang sa mababang antas ng lipunan.

“Again, mauna ang mga mahirap na walang pera, hindi makabayad. Ang listahan ‘yong doon sa Pantawid [Pamilyang Pilipino Program of the Department of Social Welfare and Development]… may listahan ‘yan. ‘Yon ang sundin. Then, pagkatapos, to the public,” paliwanag ng Pangulo. 

Kasama rin sa mga mauunang mabigyan ng nasabing bakuna ang mga sundalo at kapulisan. 

“But para walang taguan, I want my soldiers, pati ‘yong security forces ng bayan mauna rin kasabay ng first batch. Kasi kailangan ko ng mga sundalo at pulis na ready, healthy, at walang COVID. They are really vital to the security of the state. For which reason they should be the first also. Tayo, kami, mga civilian, pwede tayong last,” pagpapatuloy ni Pangulong Duterte.

Sa kasalukuyan, mayroong siyam na pharmaceutical firms mula Estados Unidos at Europa na nasa huling yugto na ng kanilang COVID-19 trials. May pharmaceutical firms din mula Russia at China na humahabol para makabuo ng bakuna laban sa naturang sakit.

Base sa datos ng Department of Health noong Oktubre 14, nasa 346,536 na ang kabuuang bilang ng dinapuan ng naturang virus sa bansa.  Sa bilang na ito, 46,227 ang nananatiling aktibong kaso. Nasa 1,910 naman ang bilang ng kasong nadagdag sa nasabing araw. Samantala, nasa 6,449 katao na ang pumanaw mula sa naturang karamdaman, at nasa 293,860 naman ang kabuuang bilang ng gumaling na mula rito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.