MAHIGIT 10K CONTACT TRACERS, APRUBADO NA NG DILG

Ni Monica N. Ladisla
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Umabot sa 10,136 na aplikante ang tinanggap ng Department of the Interior and Local Government upang maging first batch ng contact tracers (CTs) mula sa 55,000 na nagpakita ng interes para dito.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, agaran ang ginawang hiring process upang mapunan ang kinakailangang 50,000 contact tracers na itatalaga sa iba’t ibang parte ng bansa. Dagdag pa niya, umabot na sa 47,000 applications ang tapos nang maproseso mula sa iba’t ibang DILG offices sa buong bansa.

“The hiring of CTs is being expedited as time is of the essence in our fight against COVID-19. Ngayon, higit sa 10k na ang ating na-hire, and we intend to hit our commitment to employ the 50k CTs prescribed in the Bayanihan 2 Law before the end of this month,” pag-uulat ni Año.

Ikinalugod din ni Año ang positibong pagtanggap ng publiko sa inisyatibang ito at aniya, inaasahan nilang madadagdagan pa ang mga aplikante sa mga susunod pang araw.

Binigyang-linaw din ng DILG na isasantabi muna nila ang paglalagay ng deadline para sa hiring ng contact tracers at sa halip ay tuluy-tuloy na tatanggap ng mga aplikante upang agarang mapunan ang natitira pang pwesto.

“What’s important to us is to fill up the slots, and recruit the most number of CTs as provided in the Bayanihan 2 Law, so those who met the deadline set earlier are now being processed. But we will continue to accept applications until we have met our targets,” paliwanag ni DILG Usec. Jonathan Malaya.

Samantala, kasalukuyan nang sumasailalim sa training ang first batch ng contact tracers bago sila tuluyang ipadala sa mga komunidad kung saan sila nakadestino. 

“Hindi naman po natin sila isasabak nang basta-basta ng walang training,” paglilinaw ni Malaya.

Patuloy pa rin ang pagtanggap ng DILG sa mga nais maging contact tracer. Pasok ang mga may edad 21 hanggang 45 taong gulang na mayroong Bachelor’s degree o umabot sa kolehiyo. Prayoridad ang mga nakapagtapos ng kursong allied medical course o criminology subalit maaari ring magsumite ng application ang may ibang kurso.

Ilan sa mga responsibilidad ng isang contact tracer ay ang pagsagawa ng interview, profiling, at initial public health risk assessment sa mga kaso ng COVID-19 gayundin sa mga kinilalang close contacts nito; isangguni ang mga close contacts sa isolation facilities; magsagawa ng enhanced contact tracing kaagapay ang ibang ahensya at pribadong sektor gayundin ang pagsagawa ng daily monitoring ng close at general contacts sa loob ng 14 na araw; at magsagawa ng iba pang tungkuling may kinalaman sa COVID response.

Kailangan umanong bihasa sa data gathering at may alam sa documentation ang mga nais na magtrabaho bilang contact tracer.

“We are looking for the most fit and qualified individuals for the job dahil very challenging ang kanilang magiging trabaho for the next 3 months. Their work on the ground is crucial in our battle against COVID-19,” saad ni Malaya.

Ayon sa guidelines na ginawa ng DILG, makakatanggap ng hindi bababa sa P18,784 kada buwan ang isang contact tracer. 

Para sa mga interesadong aplikante, maaaring makipag-ugnayan sa inyong pinakamalapit na DILG Provincial at City Field Offices o bumisita sa kanilang website para sa iba pang detalye.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.