Mahigit 2 libong telco cell tower permits, aprubado na ng LGUs

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Mahigit sa 2,000 aplikasyon para sa pagtatayo ng mga cell tower mula telecommunications companies sa bansa ang inaprubahan ng mga local government units (LGUs), ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Año sa isang briefing kagabi kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay upang matugunan ang pangangailangan ng publiko sa malakas na signal at koneksyon lalo na sa kasagsagan ng pandemya kung saan karamihan ng mga empleyado at estudyante ay kailangan mag-online habang nasa kani-kanilang tahanan upang gampanan ang responsibilidad sa trabaho at eskwela.

Nauna nang nagbigay ng direktiba ang Pangulong Duterte sa lokal na pamahalaan na pabilisin ang konstruksyon ng mga cell towers upang masolusyunan ang mabagal na communication services na ayon sa kaniya ay matagal nang iniinda ng mga Pilipino. 

Kasunod nito ayon kay Año ay pinabilis na ang proseso ng aplikasyon ng cell towers at binawasan na rin ang mga kailangang permit upang mapadali sa mga telco ang pagsumite ng mga ito. 

“Sa telcos naman po, iyong mga pinag-utos ninyo na para mapabilis ‘yung ating applications sa mga towers, mula po noong pinag-utos ninyo ay 2,220 na po ang na-approve at 712 na lang po ‘yung pending,” paliwanag ni Año.

Sa pamamagitan ng ilang probisyong nakasaad sa Bayanihan 2, ang mga telco ay maari nang mas pabilisin ang pagtayo ng mga imprastrakturang makapagpapabuti sa kondisyon ng komunikasyon at teknolohiya sa bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.