MAHIGIT 20 MILYONG PILIPINO, NAKAREHISTRO NA SA STEP 1 NG NATIONAL ID SYSTEM

Ni Benjie Dorango
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ito ang inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa kanilang ulat noong Lunes, Marso 1, 2021 kung saan umabot sa 20,133,869 Pilipino na ang nakakumpleto ng Step 1 Registration para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Sila ang mga na-house-to-house ng PSA Enumerators para kunin ang demographic information ng mga low-income household heads at nagbibigay ng appointment date para sa kanilang Step 2 Registration.

Nagsimula ang Step 1 Registration noong Oktubre 12, 2020.

Una itong ginawa sa 32 piling probinsya na itinuturing na COVID-19 low-risk areas.

Mahigit 10 milyong Pilipino ang kanilang nairehistro.

Ngayong taon, target ng PSA na mairehistro ang 70 milyong mga Pilipino kabilang na ang mga nasa vulnerable groups base sa identification ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), tulad ng frontline healthworkers, senior citizens, indigents, at uniformed personnel.

“Achieving the 70 million target this year would be an exceptional feat for the PSA and other agencies involved in the implementation. The success of the PhilSys necessitates the full support and commitment of government agencies, local government units, civil society organizations, the private sectors, and all Filipinos,” pahayag ni PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, Ph.D., National Statistician at Civil Registrar General. 

Matapos sumailalim sa Step 1, dadaan naman ang registrants sa Step 2 na gagawin sa mga registration center.

Dito, iva-validate ang kanilang supporting documents, kukunin ang biometric information, tulad ng fingerprints, iris scans, at front-facing photographs.

Ang Step 3 ang pinakahuling hakbang kung saan iisyuhan na ang registrants ng kanilang PhilSys Number (PSN) at ng physical ID o PhilID.

Ito na ang kanilang magagamit para ma-access ng mabilis ang government services at makapagbukas ng sariling bank account sa Land Bank para hindi na mabiktima pa ng mga fly-by-night lending practices na nagpapataw ng sobra-sobrang interes.

Hinimok ni Land Bank Tayug Branch Head Laarni Garbo ang mga Pilipino na samantalahin ang pagkakataong ito:

“Inaanyayahan po namin ang mga PhilSys registrants na magtungo sa mga registration centers at magbukas ng Land Bank transaction accounts. Matapos po ninyong magparehistro sa national ID, lumapit lamang po sa Land Bank booth para sa libreng Land Bank Mastercard prepaid card. Kasabay ng pagbibigay ng pormal na identification sa ating mga registrants lalo na ang mga nasa laylayan, kasama ang Land Bank sa paghahatid ng mga importanteng serbisyo sa ating mga mamamayan.”

Dagdag pa ni Garbo, “Huwag silang magdalawang-isip na kumuha ng PhilSys ID kasi madali lang naman, hindi mahirap ang proseso. Tsaka magiging ID mo ito sa lahat ng transaction na gagawin mo.”

Siniguro naman ng PSA na ipatutupad ang minimun health protocol habang sumasailalim sa anuman sa mga prosesong ito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.