MAHIGIT 292K RESIDENTE SA MAYNILA NAGPRE-REGISTER PARA SA COVID-19 VACCINE

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa Facebook post ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ipinahayag niyang umabot na sa 292,946 residente ng lungsod ang nagpre-register para sa pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine base sa datos kahapon, Abril 14.

Ayon sa alkalde, matapos mabakunahan ang mga nasa priority list na ibinigay ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO), the Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNTAG), at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), agad na isusunod ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang mga nagpapre-register. 

“Pagkatapos po ng mga priority sectors ay agad na babakunahan ang mga nag pre-register sa www.manilacovid19vaccine.ph,” saad ni Domagoso.

Sa kabila nito, ipinaalala ng alkalde na boluntaryo pa rin umano ang pagpapabakuna kung kaya’t kahit ang mga nagpapre-register ay hindi pa rin oobligahing makatanggap ng COVID-19 vaccine kung hindi pa sila handa.

Naniniwala umano ang alkalde na pangunahing solusyon pa rin ang pagpapabakuna upang labanan ang pandemya kaya hinikayat pa rin ni Domagoso ang mga nasasakupan na magpabakuna lalo na’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo dito. 

Nakapagtala na ang www.manilacovid19vaccine.ph ng 72,123 indibidwal na nakatanggap na ng unang dose ng bakuna mula noong simulan ang vaccination rollout noong Marso 2.

Kabilang dito ang mga nasa prioritization list tulad ng medical at health frontliners (A1), senior citizens (A2), at mga indibidwal edad 18 hanggang 50 taong gulang na may karamdaman. 

Nasa 2,654 na indibidwal naman sa lungsod ang nakatanggap na ng pangalawang dose ng bakuna.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.