Nasa 7,746 na police frontliners na ang naturukan ng COVID-19 vaccines ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw, Abril 14.
Base sa pinakahuling datos ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP Deputy Chief for Administration, kabilang dito ang 5,955 na police officers na nabakunahan ng Sinovac vaccines at 1,791 naman ng AstraZeneca.
Sa kabuuang bilang ng mga pulis na nabakunahan ng Sinovac, 1,549 dito ang nabigyan na umano ng pangalawang dose ng bakuna.
Tatlong police attachés din umano ang naturukan ng Moderna vaccines habang dalawa pang police attachés ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer.
Sa kabilang banda, iniulat kagabi ni Eleazar na may karagdagang 197 police personnel ang naka-recover mula sa COVID-19 kung kaya’t sa tala ay mayroon ng 15,389 recoveries ang PNP mula sa 17,917 cases na iniulat nito.
Nasa 2,481 naman ang aktibong kaso ng COVID-19 sa kapulisan dahil sa karagdagang 288 panibagong kasong naitala ng ahensya.