MAHIGIT 9K KAPULISAN IPAKAKALAT SA METRO MANILA SA GITNA NG PAGPAPATUPAD NG CURFEW HOURS

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nasa kabuuang 9,634 na kapulisan ang ipakakalat sa buong National Capital Region sa gitna ng pagpapatupad ng uniform curfew hours sa lugar mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, simula ngayong Lunes, Marso 15, 2021.

Tatagal ng dalawang linggo ang nasabing curfew hours sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. General Guillermo Eleazar, ang naturang mga kapulisan ay magmumula sa Quezon City Police District, Manila Police District, Eastern Police District, Western Police District, Northern Police District, at Southern Police District, na  tutulong sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng curfew. 

Paiigtingin din ang pagbabantay ng mga kapulisan sa gitna ng curfew sa tulong ng Highway Patrol Group, Reactionary Standby Support Force, at iba pang grupo ng mga pulis na nakapagsagawa na ng katulad na mga operasyon.

Ayon sa PNP, may 373 checkpoints na itatalaga kaugnay ng naturang hakbang.

Pinaalalahanan naman ng PNP ang mga kapulisan na sundin ang maximum tolerance at igalang ang karapatang pantao ng mga mamamayan habang isinasagawa ang naturang operasyon. Pinayuhan din nila ang publiko na patuloy na sumunod sa minimum health protocols at igalang ang mga tagapagpatupad ng batas.

“Let us bear in mind that your PNP is not the enemy here, our common enemy is the coronavirus, and it takes our cooperation to contain the spread of the virus,” pahayag ni Eleazar.

Hindi naman kasama sa listahan ng kailangang tumalima sa curfew hours ang medical frontliners, iyong mayroong medical emergencies, mga drayber ng delivery trucks, iyong mga tagahatid ng essential goods, mga empleyado sa mga pampribadong kumpanya na papunta at pauwi mula sa kanilang pinagtatrabahuan, mga construction worker, nagtatrabaho sa media, mga papunta at pabalik ng airport, mga drayber ng mga pampribadong sasakyan, security guards, at mga nagtatrabaho sa fast-food restaurants.

Nauna nang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos na ang mga essential worker na naka-duty, o iyong mga papasok o pauwi mula sa kanilang trabaho sa gitna ng curfew hours ay hindi mapapatawan ng kaparusahan basta’t sila ay makapagprisenta lamang ng kanilang identification card o ID sa mga awtoridad.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.