MAHIGIT SA 250K BENEPISYARYO, NAKATANGGAP NG PHP1.8-B MEDICAL ASSISTANCE — PCSO

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Iniulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa accomplishment report nito na inilabas ngayong araw na nakapagbigay ito ng nasa tinatayang Php1.814 bilyon para sa medical assistance ng 250,850 indigent beneficiaries sa buong bansa noong nakaraang taon.

Ito ay sa kabila ng pagkakatigil ng gaming operations ng ahensya sa loob ng ilang buwan dahil sa community quarantine dulot ng pandemya. 

Ayon kay PCSO general manager Royina Garma, ang pinansyal na tulong ay prinoseso sa pamamagitan ng iba’t ibang departamento sa ilalim ng mga Branch Operations Sector ng PCSO na nakapag-abot ng tulong sa 239,101 na indibidwal at Malasakit centers na nakatulong sa 11,749 na nangangailangan sa 25 na ospital.

“The PCSO is an agency that is self-sustaining. We do not get funds from the national budget. Fortunately, we were able to re-open our doors in July 2020. PCSO was allowed to resume its games in general community quarantine (GCQ) and modified GCQ, our sales resumed gradually increased. Although we had to slowly reinstate our games as the threat of Covid-19 was still very much present,” paliwanag ni Garma.

Layunin ng Medical Access Program (MAP) na matugunan ang medikal na pangangailangan ng mga Pilipino sa buong bansa, partikular na ang pagpapa-confine sa ospital, chemotherapy, dialysis, at pagbibigay ng mga medisinang kailangan pagkatapos ng transplant. 

Nanggagaling ang pondo ng programa sa mga kinikita ng ahensya mula sa mga palaro nito. 

Dagdag pa ni Garma, ginagawa umano ng PCSO ang mga mahahalagang proseso upang patuloy na makapagbigay ng medical assistance sa mga nangangailangan sa kabila ng kasalukuyang pandemya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.