Makabayan bloc binawi ang kanilang boto ‘BETTER NORMAL’ BILL PASADO NA SA KONGRESO

Ni Monica Ladisla

Naipasa na sa Kongreso ang batas na nagsasaad ng pamantayan ng publiko para sa “new normal” sa workplace maging sa mga pampublikong lugar.

Nitong Lunes, nakalikom ng unanimous 242 votes ang House Bill No. 6864 o ang Better Normal for the Workplace, Communities and Public Spaces Act of 2020 sa pangunguna ni Speaker Alan Peter Cayetano kasama ang iba pang mambabatas.

Ayon kay Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte, isa sa mga pangunahing may-akda ng batas, malaki ang maitutulong nito sa mga Pilipino lalo na sa pag-angkop sa “better normal” sa panahon ng pandemya. 

Dagdag pa niya, mayroong “whole-of-society” approach ang naturang batas sa pagpapatupad ng mandatory safety at physical distancing protocols.

Sinegundahan din ito ni Majority Leader Martin Romualdez, isa rin sa mga principal author ng batas, at sinabing importante umano ang batas na ito upang makontrol ang pagkalat ng virus habang naghahanda ang bansa sa pag-transition nito sa “new normal”.

We seek to lay the groundwork that will expedite our people’s adaptation to the demands of the new normal. The soonest we adapt, businesses can resume operations and workers can go back to their jobs without fear of contracting the dreaded coronavirus,” giit ni Rep. Romualdez.

Subalit nitong Miyerkules, may ilang mambabatas na bumawi ng kanilang “yes” vote para sa HB 6864. Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, may ilan umanong probisyon na nakapaloob sa batas na nakaaapekto sa malayang pamamahayag . 

Lima pang mambabatas sa ilalim ng Makabayan Bloc ang bumawi rin ng kanilang boto kabilang na sina Rep. Ferdinand Gaite at Rep. Eufemia Cullamat, ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago.

Dagdag pa ni Rep. Zarate, kasama rin sa ikinabahala ng kanilang partido ang pagbabawal ng public gatherings na nakapaloob sa HB 6864. Taliwas umano ito sa prinsipyo ng kanilang partido at malinaw na sumasalungat sa right to free assembly ng publiko.

We place grave concern over the limitations on public gatherings as provided in the Bill’s “Section 6. B. Management of Spaces”. The prohibition on gatherings, we submit, impinges on the constitutionally guaranteed freedom of our people to express themselves and to petition the government for a redress of grievances,” saad sa sulat ni Rep. Zarate kay House Speaker Cayetano.

Gayunpaman, tiwala pa rin ang ibang mambabatas na malaki ang maitutulong ng HB 6864 upang makapag-adjust ang publiko sa pamumuhay sa “new normal” sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 sa ating kalusugan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.