Mas maraming healthcare workers mabibigyan ng AstraZeneca COVID-19 vaccines

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of Anadolu; pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Posibleng mas maraming healthcare workers sa bansa ang maaaring maturukan ng unang batch ng COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang AstraZeneca.

Ito ay sa gitna ng plano ng gobyerno na ipamahagi na agad ang higit sa 525,000 doses ng AstraZeneca vaccines bilang paunang doseng ituturok sa nasabing mga manggagawa, sa halip na ireserba ang kalahati nito para sa pangalawang doseng ipamamahagi sa susunod na batch.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, nasa 12 na linggo o tatlong buwan naman ang pagitan ng pagbibigay ng una at pangalawang doses ng nasabing bakuna.

“According to WHO [World Health Organization] country representative, he will write a letter to reassure us that the next batch will really come. There is no definite date, but it could be anywhere from the last week of March to about the first week of April. In that light, we can use the 525,000 AstraZeneca vaccines as the first dose. So, we give more. We provide partial protection to more healthcare workers,” pahayag ng Kalihim.

Ayon pa sa pinuno ng DOH, ang nabanggit na hakbang ay makatutulong din para maiwasan ang pagkasayang ng mga bakuna na maaaring umusbong mula sa maling paraan ng pag-iimbak sa mga ito.

Matatandaang ang healthcare workers ng bansa ang pinakaprayoridad ng pamahalaan sa national COVID-19 immunization program nito.

Nakatanggap na ang Pilipinas ng kabuuang 1,125,600 COVID-19 vaccines mula sa Sinovac, na donasyon ng bansang China, at AstraZeneca, na bigay naman ng  COVID-19 Vaccines Global Access o COVAX Facility, ang pasilidad na nagtitiyak na pantay-pantay ang naipamamahaging bilang ng COVID-19 vaccines sa lahat ng mga bansa sa mundo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.