Masbate at kalapit na lugar, niyanig ng 218 aftershocks Publiko papayagang mag evacuate kahit may umiiral na ‘COVID-19 stay-at-home order’

Ni Joan Alcantara
Photo: PHIVOLCS

LUNGSOD NG QUEZON — Niyanig ng magnitude 1.6 hanggang magnitude 4.4 na aftershocks ang Masbate at mga kalapit na lugar ngayong alas-kwatro ng umaga, Agosto 19, matapos tamaan ng intensity 7 na lindol kahapon bandang alas-otso, Agosto 18.

Naiulat ang epicenter ng lindol 7 kilometro silangan ng Cataingan, Masbate.

Asahan na ang minor to strong aftershocks sa epicenter na maaaring magtagal ng mga araw at linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nagtala kahapon ang Cataingan, Masbate ng intensity 7 o “destructive” samantalang intensity 5 naman o “strong” ang naitala sa Masbate City at Almagro at Tagapul-an ng Samar.

Naramdaman naman ang intensity 4 o “moderately strong” sa Palanas at San Jacinto sa Masbate; Legazpi City, Albay; Iriga City at Baao sa Camarines Sur; Barugo, Dagami, Dulag, Julita, La Paz, Palo, at Tanauan sa Leyte; Sagay, Negros Occidental; Mapanas at Palapag sa Northern Samar; San Andres, Quezon; at Sorsogon City, Sorsogon.

May malakas na pagyanig ng lupa ang intensity 7 na maaaring magdulot ng pagkasira ng kahit matitibay na istruktura at landslide sa mga kabundukang malapit sa sentro ng lindol.

Isa ang Masbate sa “seismically active regions” sa bansa, ngunit hindi naman indikasyon ang lindol ng volcanic activity ng pinakamalapit na Biliran Volcano. Hindi rin ito magreresulta sa tsunami bagama’t asahan ang localized sea-level disturbances.

Bagama’t umiiral ang COVID-19 stay-at-home order, pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na prayoridad ang paglikas dahil sa lindol ngunit kailangan pa ring magsuot ng face masks at sundin ang social distancing ng mga lilikas.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.