Ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay naglungsad ng mga hotlines upang sumagot sa mga katanungan tungkol sa COVID-19 vaccines.
“Handa na po ang ating Manila COVID-19 Vaccine Action Center (MCVAC) para magbigay serbisyo at assistance tungkol sa inyong mga katanungan ukol sa ating Covid-19 vaccination program,” saad ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ sa kaniyang social media post ngayong araw.
Ayon kay City Health Officer Dr. Arnold Pangan, ang pagkakatatag ng action center ay kasama sa free vaccination plan ng lokal na pamahalaan ng lungsod para sa target nitong isang milyong residente pati na rin ang mga hindi residenteng nagtratrabaho dito.
“An Emergency Response Team which consists of a doctor and an ambulance complete with medical emergency kits will be on standby in case there are any adverse events following immunization. If the need arises, an individual will then be sent to the nearest hospital in Manila,” paliwanag ni Pangan.
Ayon kay Domagoso, maaaring tawagan ng publiko ang mga linyang ito ng MCVAC: 0927-351-0849, 0915-703-0621, 0968-572-1975, at 0961-020-2655.