METRO MANILA, 4 NA PROBINSYA MANANATILI SA ECQ NG ISA PANG LINGGO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Nagrekomenda po ang inyong IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na pahabain pa ang enhanced community quarantine (ECQ) ng minimum isa pang linggo sa buong Metro Manila, at mga probinsya ng Laguna, Bulacan, Cavite, at Rizal.”

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Sabado, Abril 3, 2021, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. 

Ang desisyong ito ay base na rin sa rekomendasyon ng Department of Health, ilang mga alkalde, at ng University of the Philippines OCTA Research group, na inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, sa ilalim ng pinalawig na ECQ, layunin ng pamahalaan na paigtingin pa ang Prevent, Detect, Isolate, Treat, at Reintegrate (PDITR) na istratehiya nito, kung saan nakapaloob ang pagbisita sa mga residente sa kani-kanilang mga kabahayan upang suriin kung mayroong mga nakararanas ng mga sintomas ng COVID-19, pati na ang pagbubukod o pag-isolate sa mga kakikitaan ng nasabing mga sintomas. Dagdag pa ni Roque, nararapat na i-monitor ng mga lokal na pamahalaan at czars o iyong mga namumuno sa pagsasagawa ng contact tracing, pagpapagaling ng mga pasyente, pagbabakuna, at iba pang katulad na mga hakbang, ang mga resulta ng PDITR na istratehiya ng pamahalaan.

Ani Spokesperson Roque, kapag napatunayang epektibo ang nabanggit na istratehiya ay maaaring maibalik sa modified ECQ o mas maluwag na quarantine status ang nasabing mga lugar na nabibilang sa Greater Manila Area.

Bukod sa pagpapaigting ng PDITR na istratehiya ng gobyerno habang nakataas ang ECQ sa naturang mga lugar, nakatakda ring dagdagan ang bilang ng mga kama sa mga ospital para sa mga may moderate hanggang severe na kaso ng COVID-19.

“Dito sa linggo ng karagdagang ECQ ay meron tayong 110 additional na moderate to severe beds na bubuksan na po at magiging operational dito sa Quezon Institute. Sa susunod na buwan hindi po bababa ‘yan sa 160 additional moderate to severe bed capacity,” pahayag ni Secretary Roque.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.