METRO MANILA, 4 PANG KARATIG-LUGAR NAKA-ECQ HANGGANG ABRIL 4

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ng National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna simula ngayong Lunes, Marso 29, 2021 hanggang sa Linggo, Abril 4.

Ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang mga lugar.

Sa ilalim ng Omnibus Guidelines para sa naturang community quarantine, tanging ang mga mahahalagang establisyimento at industriya lamang, tulad ng food at medical services, ang papayagang magbukas sa gitna ng nasabing paghihigpit.

Samantala, pahihintulutan pa rin ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon, bagama’t sa limitadong kapasidad lamang. Kinakailangan ding sumunod ng mga ito sa mga panuntunan ng Department of Transportation.

Ang mga lubhang kinakailangan at prayoridad na mga proyektong may kinalaman sa konstruksyon ay papayagan ding magpatuloy sa kanilang operasyon basta’t sila ay susunod sa mga panuntunan ng Department of Public Works and Highways.

Ipinagbabawal naman ang pagsasagawa ng mga malawakang pagtitipon-tipon, kabilang na iyong may kinalaman sa pagsamba o pananampalataya.

Nararapat ding manatili sa kanilang mga tahanan iyong mga hindi pa tumutuntong ng 18 na taong gulang at iyong mga lagpas na ng 65 na taong gulang, pati rin ang mga may kasalukuyan nang iniindang mga karamdaman at iba pang mga banta sa kalusugan, at maging mga buntis, maliban na lamang kung kinakailangan nilang makakuha o makabili ng mga importanteng produkto o serbisyo, tulad na lamang ng pagkain at gamot.

Ang mga itinuturing na authorized persons outside their residence (APOR), tulad na lamang ng mga empleyado ng mga establisyimentong pinapayagang magbukas sa gitna ng ECQ, ay papayagan pa ring makalabas ng kanilang bahay.

Upang mas lalong limitahan ang paglabas ng mga mamamayan, magkakaroon din ng mahigpit na uniform curfew simula alas-sais ng gabi hanggang alas-singko ng umaga. Hindi naman kasama sa nasabing curfew ang mga APOR, cargo vehicles, at mga pampublikong transportasyon. 

Inaatasan din ang National Task Force Against COVID-19, national government agencies, at mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang mga hakbang na may kaugnayan sa  Prevent, Detect, Isolate, Treat, Reassess na istratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang lalo pang paglobo ng kaso ng COVID-19.

Ang sumusunod na mga industriya ay pinapayagang magpatuloy sa kanilang operasyon sa ilalim ng skeleton workforce:

  • Medical, dental, rehabilitation, at optometry clinics, pharmacies, o drugstores
  • Veterinary clinics
  • Banks, money transfer services
  • Telecommunications companies, internet service providers, cable television providers
  • Manufacturing companies at suppliers (construction works, tulad ng semento at bakal)
  • Punerarya at mga serbisyong may kinalaman sa pag-eembalsamo
  • Security personnel
  • Real estate, ngunit limitado lamang sa mga serbisyong may kinalaman sa pagpapaupa
  • Capital markets
  • Water supply at mga serbisyo at pasilidad na may kinalaman sa sanitation 
  • Energy at power companies
  • Airline at aircraft maintenance, mga piloto at crew, at mga kaugnay na empleyado
  • The Philippine Postal Corporation, Philippine Statistics Authority, business processing outsourcing o BPOs, export business, printing presses
  • Humanitarian assistance personnel ng mga civil society organization, non-government organizations, United Nations Humanitarian Country Teams
  • Mga pastor, pari, rabbis, imams, at iba pang religious ministers (para sa pagsasagawa ng iilan lamang na mga aktibidad, tulad ng paglilibing)
  • Pagkukumpuni at maintenance ng mga makina at iba pang kasangkapan

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.