METRO MANILA MANANATILI SA ILALIM NG GCQ HANGGANG NOBYEMBRE 30

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa kaniyang pinakahuling public address ngayong Oktubre 27, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa general community quarantine (GCQ) sa buong Metro Manila hanggang sa katapusan ng Nobyembre.

Ang desisyong ito ng Pangulo ay ginawa matapos ang kaniyang pakikipagpulong sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Nauna nang ipinahayag ng mga alkalde sa Metro Manila ang kanilang pagnanais na ipasailalim ang buong rehiyon sa GCQ hanggang sa katapusan ng taong ito. Gayunpaman, nais din nilang luwagan ang mga restriksyon kaugnay sa paggalaw ng tao, pagbiyahe, at maging sa larangan ng pagnenegosyo. 

Iniksian na rin ng mga alkalde sa rehiyon, maliban sa Navotas City, ang oras ng curfew sa mga lugar na kanilang nasasakupan. 

Mananatili rin sa parehong quarantine status hanggang sa katapusan ng susunod na buwan ang Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City, at Lanao del Sur.

Ang iba pang lugar sa bansa ay mapapasailalim sa modified general community quarantine.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaari pang umapela ang local government units hanggang sa Huwebes, Oktubre 29, hinggil sa nasabing desisyon ng Pangulo.

Dagdag pa ni Sec. Roque, ang nasabing mga quarantine status ay base sa attack rates o ang porsyento ng populasyon na nahahawa sa virus, hospital utilization rates, at maging social at economic factors. 

Ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health, nasa 371,630 na ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa bilang na ito, 7,039 na ang nasawi, samantalang 328,258 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling na mula sa nasabing sakit. Samantala, nasa 36,333 o halos 10 porsiyento ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ang nananatili pa ring aktibo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.