Metro Manila, mga karatig lungsod balik GCQ na

Ni Monica Ladisla
(Photo credit: Robert Oswald P. Alfiler - PNA)

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ibabalik na sa General Community Qurantine (GCQ) ang Metro Manila at mga karatig lungsod nito sa darating na Agosto 19 hanggang Agosto 31 upang maagapan ang economic crisis dulot ng pandemya.

Balik GCQ na rin ang Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Nueva Ecija, Batangas, Quezon Province, Iloilo City, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Minglanilla, Cebu, at Consolacion, Cebu.

Ayon sa Palasyo, naging produktibo umano ang dalawang linggong Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila na ginugol upang lalong pagtibayin ang COVID pandemic response ng bansa.

“Ginamit po natin ‘yung dalawang linggong MECQ para po pag-isipan kung paano tayo magre-reboot, paano magre-refresh ng approach, at ito nga po ang gagawin natin habang nagbubukas tayo ng ekonomiya, mas maigting na mga pamamaraan para mapalakas po ang testing, tracing, isolation, and treatment,”  pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Samantala, kasunod ng anunsyong ito ng Pangulo, nangako naman ang Philippine National Police (PNP) na mananatili ang quarantine protocols na kasalukuyang ipinatutupad.

Inihayag ni PNP Spokesman Police Brigadier General Bernard Banac na mahigpit pa ring ipatutupad ang quarantine control points upang masiguro na essential travel at authorized individuals lamang ang makakalabas sa kanilang bahay.

“The PNP operations will remain guided by the fundamental guidelines of DILG and IATF. We appeal to residents in affected communities to cooperate with local government and law enforcement authorities in enforcing quarantine rules and health protocols to further minimize transmission of the infection,” paalala ni PNP Spokesman Banac.

Sang-ayon din dito si Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, subalit ayon sa kanya, kailangang makipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng paggawa ng batas upang matiyak na susunod ang publiko sa itinakdang health protocols.

“Alam ninyo kasi, mas marami tayong parang binibigyan lang ng paalala, pero sa ngayon, dahil kalimitan naman dito sa mga protocols na ito ay meron ng katapat na mga city or municipal ordinances lalo na ‘yung pagsusuot ng facial masks pati na rin ‘yung observance of physical distancing ay dapat po diyan sa more than 150 days na ating pinagdaanan tapos na po siguro ‘yung puro paalala. Dapat sumunod na sila dahil ito naman po ay kinakailangan natin sa ating programa lalo na at talagang tumataas ang infection na nararanasan ng Metro Manila,” paliwanag ni Gen. Eleazar.

Ayon sa datos na nakalap mula sa Department of Health nitong Lunes, umabot na sa 164,474 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.