METRO MANILA SASAILALIM SA CURFEW SIMULA MARSO 15

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Simula sa darating na Marso 15 ay magpapatupad ng curfew  mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ang mga alkalde ng iba’t ibang lungsod sa Metro Manila sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon. 

Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benjamin Abalos, Jr. noong Huwebes ng gabi, Marso 11, 2021, matapos siyang makipagpulong sa nasabing mga alkalde upang pag-usapan ang mga hakbang na nararapat gawin para mapigilan ang mabilis na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa lugar. 

“Pinagkasunduan ito para hindi na malito ang tao. Pwede naman magkanya-kanya sila, pero kung magkakanya-kanya, mas mahirap dahil ang paggalaw sa Kalakhang Maynila ay napakabilis. Ilang minuto lang ay nasa ibang lugar ka na,” pahayag ni MMDA Chair Abalos.

Lahat ng mga indibidwal sa Metro Manila ay sakop ng naturang kautusan, bagama’t nilinaw ng pinuno ng MMDA na ang mga essential worker na papunta o manggagaling sa kani-kanilang trabaho ay papayagan pa ring makalabas sa nabanggit na mga oras basta’t sila ay makapagpipresenta ng kanilang identification card o ID sa mga awtoridad. 

Ang parusang ipapataw sa mga lalabag sa kautusan ay dedepende na sa mga lokal na pamahalaan. 

Ayon pa kay Abalos, bukod sa curfew ay magpapatupad din ng granular lockdowns sa mga lugar na makapagtatala ng mataas na kaso ng impeksyon mula sa virus. Magiging mas mahigpit rin aniya ang pagpapatupad ng mga batas kaugnay rito, at paiigtingin din ang COVID-19 testing at contact tracing sa Kalakhang Maynila.

“These will be very stringent measures dahil hindi po biro ang nakitang mga numero ng mga mayors sa mga kasong nangyayari po ngayon, at lalo na po itong UK variant at South African variant,” paglalahad ni Abalos. 

Mula sa dating mga nasa 360 kada araw na kaso ng COVID-19 na naitatala sa National Capital Region mula Pebrero 4 hanggang 10 ay pumalo na sa 1,400 ang bilang ng mga apektado ng virus matapos ang isang buwan. 

Naroon din ang health officials at mga miyembro ng University of the Philippines-OCTA research group sa naturang pagpupulong upang mas bigyang-linaw ang kasalukuyang sitwasyon at gabayan ang mga alkalde sa pagbuo ng mga probisyon kaugnay rito. 

Base sa datos ng Department of Health, nakapagtala na ang Metro Manila ng nasa 250,000 na mga kaso ng COVID-19, o nasa 41 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa pinakahuling bilang ay nasa 607,000 na ang naitatalang nahawa ng nasabing virus sa Pilipinas. 

Nauna nang nagbabala ang OCTA research group na maaaring umabot sa 3,000 na kaso ng COVID-19 ang maitatala sa isang araw bago sumapit ang Abril, samantalang maaari namang makapagtala ang bansa ng nasa 6,000 COVID-19 cases kada araw.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.