MGA ALKALDE, GOBERNADOR SA HIGH-RISK AREAS NALALAPIT NANG MABAKUNAHAN KONTRA COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbabakuna laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) para sa mga gobernador at alkalde sa Greater Manila Area at iba pang mga kalapit na lugar na itinuturing na critical zones. 

Dagdag pa ni Dizon, na siya ring vaccine czar ng bansa, ang nasabing desisyon ay may pahintulot na rin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi rin ng opisyal na mauuna munang mabakunahan ang mga gobernador at alkalde sa mga kinikilalang high-risk at critical areas ng Department of Health. Ito ay kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal, o tinatawag na “NCR Plus”, kasama na rin ang Central Luzon, at Cordillera Administrative Region. Ang ibang pang mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan ay maaari na ring magpabakuna kapag natiyak na ang sapat na suplay ng bakuna sa bansa.

“It was approved by IATF yesterday (Sabado, Abril 3, 2021), but only in high risk and critical areas like NCR Plus, Region 3, CAR, etc. Approved and mayors were informed last night,” pahayag ni Dizon.

Inilahad din ng vaccine czar na ang naturang hakbang ay ipinanukala ng League of Provinces. Matapos matanggap ni Pangulong Duterte ang nasabing panukala ay inindorso naman niya ito sa IATF.

Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, maituturing din na frontliners ang nasabing mga lokal na opisyal sa ilalim ng programa ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Sa kabila nito, sinabi ng pinuno ng MMDA na dahil sa kaunti pa lamang ang suplay ng bakuna sa bansa ay hindi maaaring makapamili ng COVID-19 vaccine brand ang mga alkalde o gobernador. Gayunpaman, ang mga opisyal na senior citizens ay pahihintulutang mabakunahan lamang ng AstraZeneca vaccine.

“No one can choose. [AstraZeneca is] only for seniors, while Sinovac would be for the rest. This goes for everybody,” saad ni Abalos.

Noong Linggo, Abril 4, 2021, ay natanggap na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang unang dose ng bakuna mula sa Chinese company na Sinovac. Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, na isa ring doktor, ang nagsagawa ng nasabing pagbabakuna.

Pahayag naman ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, na pinuno ng Metro Manila Council at nakatakdang maturukan ng bakuna ngayong linggo, paiigtingin ng nasabing hakbang ang kumpiyansa ng mga mamamayan hinggil sa pagbabakuna.

“Kami pong lahat na 17 mayor ay pumapayag (magpabakuna) para mapakita din po namin ang confidence sa mga tao. Makikita po natin gumanda na ang kumpiyansa ng ating mga residente. Kung makikita po nila na ang mga mayor, gobernador ay magkakaroon ng vaccination, ‘yon pong kumpiyansa ay lalong lalaki,” ani Olivarez.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.