Inaabisuhan at pinag-iingat mula sa banta ng bagyong Ulysses ang mga nakatira lalo na sa mga baybayin at mababang lugar sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at nang buong ka-Bisayaan.
Ang Bagyong ULYSSES ay inaasahang tatahakin ang katimugang Luzon sa pagitan ng Bicol at probinsya ng Quezon. Ito ay tinatayang magdudulot ng malakas na pag-ulan at pabugso-bugsong hangin na maaring maging sanhi ng pagbaha, storm surge o daluyong, at pagguho ng lupa.
Iwasan ang paglalayag ng mga bangka at maliliit na sasakyang pandagat sa mga lugar na NAKATAAS ang Gale Warning. Sumunod sa ipapatupad na evacuation ng inyong barangay, munispyo o siyudad. MAKIPAG-UGNAYAN at ALAMIN sa lokal na pamahalaan kung saan ligtas na lumikas. Lahat ay PINAG-IINGAT. MAGING MAPAGMATYAG AT INGATAN ANG SARILI AT PAMILYA.
SA MGA AHENSYA NG GOBYERNO AT LOKAL NA PAMAHALAAN: Siguraduhing ang mga abiso ay makararating sa buong pamayanan lalo na sa mga nakaranas ng sunud-sunod na pag-ulan. MAGBIGAY BABALA gamit ang iba’t ibang paraan tulad ng bandilyo at pagbabahay-bahay para sa agad na kaalaman ng buong pamayanan. Isagawa ang maagap at angkop na kahandaan kaakibat ang mga tinakdang pag-iingat laban sa COVID-19.