Inanunsyo ni National Policy Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. noong Miyerkules ang pagdating ng mga bakuna mula sa Pfizer at Sinovac sa bansa sa Pebrero.
“Nakausap namin kahapon ang COVAX facility. May possibility po na February po na magdala po ang COVAX dito, WHO at saka UNICEF ng Pfizer,” paliwanag ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang public address.
Ayon sa kaniya, inaasahan din ang pagdating ng 50,000 na bakuna mula sa Sinovac sa Pebrero 20.
“Ang Sinovac po ay darating din po ng February 20. (Some) 50,000 initially and then dadagdagan po sila ng 950,000 sa susunod na buwan at 2 million sa susunod na mga buwan,” dagdag niya.
Samantala, ihinahanda na rin ang mga cold chain facilities na paglalagyan ng mga bakuna. Ayon kay Galvez, ang mga pasilidad na ito ay nasa Research Institure for Tropical Medicine (RTM), University of the Philippines (UP), at San Lazaro Hospital.