Mga boto sa ‘hindi,’ nananatiling lamang sa plebisito ng Palawan

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Habang papalapit ang pagtatapos ng pagbibilang ng boto ng Provincial Board of Canvassers (PBOC) sa natitirang limang munisipalidad na hindi pa nabibilang ang boto, nananatiling mas marami ang hindi sumasang-ayon sa pagkakahati ng Palawan sa tatlong magkakahiwalay na probinsya.

“After canvassing the results from Linapacan, Coron, Culion, and Busuanga, the PBOC for the #PalawanPleb suspended session and will reconvene at 2 p.m. today, 16 March 2021,” saad ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez.

Base sa canvassing results ng naunang 18 munisipalidad na natapos sa bilangan, nakakalamang ang mga boto sa “hindi” na may 158,501 na boto laban sa “oo” na may 116,436 lamang na boto. 

Naghihintay na lamang ang PBOC sa canvass reports sa mga bayan ng Agutaya, Cagayancillo, Cuyo, Kalayaan, at Magsaysay.

Ang ilang sa mga canvass reports na nabilang at nakuha na ay galing sa mga munisipalidad ng Narra, Brooke’s Point, El Nido, Aborlan, Sofronio Española Rizal, Bataraza, San Vicente, Taytay, Roxas, Balabac, Quezon, Dumaran, at Araceli.

Base sa Statement of Votes ng mga munisipalidad, 278,005 na botante lamang ang lumahok sa plebisito mula sa 460,411 na rehistradong botante dito.

Ipinag-utos ng RA 11259 ang pagkakahati ng probinsya ng Palawan sa tatlong parte na papangalanang Palawan Oriental, Palawan del Sur, at Palawan del Norte sa pamamagitang ng isang plebisito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.