MGA GUERILLA FRONT SA BANSA, DAPAT MABUWAG BAGO MATAPOS ANG 2021 — AFP CHIEF

Ni Ivy Atompag
Photo: PIA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa kaniyang pahayag kahapon, naglabas ng kautusan si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gilbert Gapay sa mga commander sa ilalim niya na tuluyan nang buwagin at puksain ang mga natitirang guerilla fronts ng New People’s Army bago matapos ang taon.

“All remaining communist guerrilla fronts shall be simultaneously addressed and defeated toward the end of 2021. I noticed a lot of these NPA units have been weakened so this is our target for all the Unified Commands,” saad niya.

Nasa 54 na guerilla fronts pa ang natitira at siyam na regional armed groups na malapit na rin umanong mabuwag. Ito ay matapos ang matagumpay na pagkakabuwag sa 22 komunistang grupo at propaganda,

Inutusan din ni Gapay ang lahat ng area commanders na magtalaga ng prayoridad na target sa bawat quarter kasabay ng kanilang layunin na i-clear ang mga focus area upang mapabilis ang pagpuksa sa mga natitirang guerilla fronts.

“Focused military operations shall be intensified in order to destroy the armed groups, taking advantage of our newly acquired game-changer assets,” dagdag niya.

Upang i-nutralisa naman ang mga lokal na teroristang grupo, nagbigay din ng direktiba si Gapay sa mga unit ng AFP na mas lalong paigtingin pa ang operasyong militar kasabay ng mga programang naglalayong protektahan ang mga komunidad at vulnerable sector mula sa pagkaka-recruit sa mga komunistang grupo.

“We have significantly decimated these groups such that we could target to catch up on our goals toward the end of the first semester of this year,” paliwanag niya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.